puzzled
He’s off to bora and ilo-ilo for four days, does this mean than I am temporarily single and available for enjoyment?
Ada.
While I was sharing my sentiments with ada, unti-unti kong nakikilala sarili ko. Hindi ako si Cherrie, si Tiny, o kung sino man na may pangalan. Ako yung ako, kung anong nararamdaman ko, kung ano yung tumatakbo sa utak ko, yun yung nakikilala ko. Kasamaan ng ugali ko, kaplastikan ko, Negative Positive, I am me. Pili nga lang siguro yung taong mapagsasabihan mo ng nararamdaman mo, ito yung taong alam mo mapagkakatiwalaan mo at hindi magsasalita kung hindi kailangan…
Melvin.
Unfaithful, infidelity ba ang matatawag mo sa taong tulad ko? Na kapag hindi nakuha ang gusto sa iba, hahanapin ko ulit sa iba. Yung phrase na pagkakadecribe ko kay ada na “sanay lang siguro ako na naghahanap ng comfort from other guys”, pero hindi ko gusto magkaron ng commitment sa kanila. Kung meron man akong kakabagsakan, yun yung sa taong nag-ngangalang Melvin. Tested na kasi siya, unlike other guys, hindi siya playboy. Pwede ko nga rin ba matawag sarili ko na playgirl ? hindi, hanggang ngayon hindi ko pa rin natatanggap na playgirl ako. Ayoko ng one night stand. Ayoko ng happy go lucky when drunk. Tuwing nasa kasukdulan nako ng paglalandi ko, hindi ko matuloy-tuloy, yun yung Gawain ng konsensya. Pinapaalala niya sayo na meron kang masasaktan pag may ginawa kang mali. Si Melvin. Pag may kasama akong ibang lalaki, siya lang naiisip ko. Sa totoo lang, naadik kasi ako sa mga balikat niya, kapag iba kasama ko, yun yung una kong hinahanap, si Melvin. Yung kabuuang pagkatao niya.
“when I’m with him I am thinking of you…” –katy perry
Kahit na hindi ko gusto yung kalahati ng ugali niya, meron pa rin sa pagkatao niya na nananatiling iba sa lahat. Yun siguro yung pagmamahal niya sakin, yung pagkakakilala niya sakin, yung pagyakapa niya sakin. Hinding hindi mapapantayan ng iba. Gusto ko rin sana bigyan ng chance yung iba, pero natatakot ako na baka “I’m letting go off my once in a lifetime God’s gift” si Melvin.
Loading...