Are you still my heart?
Depress ako ngayon, masasabi mo yan sa bigat ng katawan ko at sa kung paano ako gumastos ngayong lingo. Hindi ko na nga iniisip dahil gusto ko balewalain, pero nagpupumilit pa rin magpapansin sakin ang matagal ko nang gustong maresolba na prublema.
Pagibig, pagibig, pagibig. Parang gusto ko nang lisananin.
Ilan na ba ang napapabalita sa mga pahayagan ang mga taong gumagawa ng karumaldumal na krimen dahil sa pagibig? Buti nalang at nasa katinuan pa ko ng isip kahit puro sakit at stress ang nadudulot nito sakin. Nakakabaliw daw ang pag-ibig. Sabi nila. Ako, ngayon baka mabaliw palang dahil manhid ang aking iniibig.
Nakakainis. Nakakagigil. Nakakaloko.
May mga tao talaga sa mundo na kahit ilang beses mo sabihan, ilang beses mo iyakan at pakiusapan, at kahit siguro halikan mo sila sa mga paa nila, mananatiling sabaw-sabaw. Minsan din naiisip ko, nage-enjoy sila maging sabaw dahil yun ang ginagawa nilang palusot. Syempre, kung sabaw nga naman kausap mo at alam mong lumaki na siyang ganun, wala ka nang iba pang magagawa kundi intindihin siya. Pero, hindi ako naniniwala na sabaw sabaw siya. Insensitive lang. at tamad magisip ng malalim.
Naaalala ko, akala niya nagagalit ako dahil sa mababaw na dahil ang hindi niya alam napupuno na lahat-lahat. Nagtataka rin ako kung bakit ayaw niya i-post yung mga picture naming sa facebook. Unang una sa lahat, pinagsisisihan ko na ginawan ko siya ng account. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya ng bonggang-bongga pero wala lang akong tiwala sa mga babaeng umaaligid-aligid sa kanya. Iba kasi pag babae ang lumandi. Alam ko yan, been there done that. May pagka-gentleman pa naman siya. Mahirap tuloy pabayaan sa labas. Ayoko lang ng may lumalapit sa kanya dahil selosa ako. Oo siguro may mali din ako, pero hindi ko kasi makuha yung logic na kung bakit mas-maayos yung pakikitungo niya sa iba kaysa sakin… biruin mo, ako magtetext inaabot pa ng ilang minuto samantalang kapag nagtetext siya sa iba, wala pang isang minute, message sent. At bakit naman siya magsasawa kung kakakita lang naming kahapon? E, alam naman niya na kailangan ko ng someone ngayon dahil sariwa pa rin yung mga nangyari…
Wala na, alam ko kung wala si ada, wala na rin ako maaasahan.
Loading...