confessions
sabi ko na nga ba, pagkatapos ng matagal tagal na panahon, hindi ko rin maiiwasan lahat ng gusto ko iwasan. pasensiya na sa mga nagtiyatiyagang bumasa ng blog ko, puro prublema yung nakasulat. therapy ang tawag ko dito.
HEY BOYFRIEND!
ayoko talagang sabihin sa kaniya kung gano ako nakakaramdam ng selos, pero pano kung maisipan ko iwasan siya isang araw? magiging unfair ako kung hindi ko sasabihin sa kanya yung dahilan. hindi naman ako takot na masaktan… ng iba. sa kanya,,, takot ako. ayokong sinasaktan niya ko dahil nasasaktan ko rin siya. isa akong sadomasochist kung tawagin nila, parehas kong ine-enjoy ang pananakit sa iba at ako naman ang sinasaktan.
“mahal na mahal kita, ikw lng!”
maniniwala ba kayo na paulit ulit kong binabasa to para makumbinse ang sarili ko na ako lang talaga? pero sinabi ko nalang sa kanya:
“hehehe… wag ka magsabi ng ganyan baka mahirapan lang ako”
mapapansin kaya niya na nag-i-impake na rin ako ng maleta ko sa puso niya? bukas na bukas ang pinto, pinapalabas na ata ako.. nung march 03, mga ilang araw lang bago ko gawin tong post na to, nagsend ako ng PM sa friendster niya. sinabi ko lahat ng saloobin ko, … ahm,,, yung summary lang pala… hindi ko rin masasabi na mababago pa niya yung isip ko kung sabihin niya na gusto pa rin niya ko makasama, kasi hindi ko naman keri yung ganito. yung involuntary yung selos ko. hindi ko ma-control.
ayoko na rin mangdamay ng iba kung hindi nga talaga intentional yung ginagawa nung babae, madadagdagan lang yung leveling ng stress ko… pwede ko naman talaga siya iwan, hindi naman kami kasal… wala naman kaming anak.. pero hindi ko lang talaga kaya. sa tingin ko mga ilang araw pagkatapos nitong post na to, kung hindi ako nakapag-move on magisa, kami pa rin… pero habang malinaw sakin kung bakit ako nagkakaganito, baka nga wala na kong magawa sa desisyon ng utak ko…
teka, …
sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ako ba yung utak ba o yung puso ko… mahirap sabihin pero may kumokontra… kung ano man maramdaman ko bukas… baka mabalewala rin tong drama ko… pero sa ngayon…
ngayon pa rin yung mahalaga, diba?
Loading...