Cherriejoyride
I am Cherrie and This is who I am.

si girl at si bf

sabi nila, “if you love the person you should trust him”

sabi naman ng iba, “everything has a reason”

sabi ko naman, “ang sakit sa bangs!”

hindi ko alam kung hindi ko pinagkakatiwalaan si bf. hindi ko rin alam kung engot ba siya at kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. pero isa lang alam ko, nagdadalawang isip ako kung gusto ko pa ba siya kausapin  o tuluyan nang lumayo dito sa planet earth.

may friend kasi si bf na girl, kapag naaalala niya to kakaiba siya magkwento, parang eager na eager siya. yung akala mo sobra pa sa kapatid yung ipinagmamalaki niya. isang beses nga, kasama namin tong si friend, kakaiba yung kilos ni bf e. masyado siyang alive na alive, at masyado niyang bini-build up yung personality niya habang nagkekwento dun sa girl.madalas naman kapag nakikita ko to si girl lagi niyang tinatanong kung asan ba si bf…

ayoko naman masyado isipin to dati, pero napapadalas kasi. ito nga siguro yung dahilan kung bakit gusto ko muna patayin yung phone ko ng sun. parang ayoko muna isipin na may dapat pa ko isipin tulad niya, ayoko pa naman sa lahat ng pakiramdam e, yung selos. kung sa tingin niya ipaglalaban ko pa siya sa huling pagkakataon dahil sa mga hidden feelings niya sa ibang tao, baka tumigil nalang ako at isipin na hindi ko siya nakilala.

One Response to “si girl at si bf”

  1. wow ha iba nga yan …
    kakaiba tlaga,..


Leave a Reply