boyfriend ko musikero… so what?!

na-experience ko na rin siguro yung depression niya. nung summer, nagkalabuan ang banda niya, nagpapakiramdaman sila kung disband na ba o hind pa? pero depress na siya dahil alam niyang kawalan niya to (at alam kong kawalan ko rin to… siguro). sabi niya ito lang ang alam niyang gawin, aminado siyang mahina ang utak niya sa academics, naging proud ako sa kanya dahil alam niya ang mga kahinaan niya, kilala niya sarili niya… pero ako, hindi.. wala akong alam sa sarili ko, estranghero ako ng buhay ko. alam ko na mahirap ang mga pinagdadaanan niya nung mga oras na yun dahil mahalaga talaga sa kaniya ang pagtugtog ng musika.. gusto ko siya sabayan sa kalungkutan niya pero ayaw niyang iparamdam na gusto niya kong makisabay..

nagmanhid ang relasyon namin, nanlamig ang mga palad ko, para ba kong humawak sa malamig na bangkay…

ginawa niya ang gusto ko, kaso nagtataka lang ako, hindi ko naman sinabi sa kaniya na gusto ko siya sabayan pero pano niya nalaman yun? feeling ko tuloy maypagkapsycho siya… *hehehe* ! isinaman niya ko sa bigat ng nararamdaman niya pero hindi para tulungan siya kundi para buhatin siguro ang mabigat na bagay na pasan niya..  nagsummer class naman kasi ako nun kaya hindi ako makapunta sa bahay nila, natutuwa na ko kapag nakakakuha ako ng high grades kaya ayoko na magpabaya sa klase, gusto ko man siya puntahan may mga bagay talagang dapat isaalang alang… dito ko nga siguro nalaman na hindi ko dapat siya hinayaang mapalayo saakin…

hindi sya nakahawak ni sentimo sa palad niya, kung meron man ipangkakain nalang niya yun.. hindi niya ako pinupuntahan pero ok lang, wala naman ako sa bahay.. kaso dito na rin nagsimula lahat ng hirap sa loob ko.. nang maghirap ang kalooban niya…

(ang boyfriend ko, bago pa kami maging close, nangangarap na siyang tugtog sa sariling concert ng banda niya nagustuhan ko siya dahil mukha pa siyang aadik adik habang tutugtog. ang gusto ko kasi sa lalaki nung highskul ako e yung mga mukhang hindi gagawa ng mabuti dahil alam kong masaya yun.. pero nung naging malapit na kami sa isa’t isa, para siyang drugs, katol, rugby na dumadaloy sa utak ko… hindi siya yung kung ano ang itsura niya sa entablado. syempre normal siya, ang pinagkaiba lang masyado niyang ipinaramdam sa akin na swerte talaga ako sa kaniya dahil importante ako sa kanya. kaya nagising nalang ako isang gabi, mahal ko na pala talaga siya.)

“hello pwede po kay ….?” sabi ko.

“ay wala nasa labas”

……

ilang gabi at arw ko naranasan yan buong summer.. o minsan sasabihin niyang mamaya nako tumawag dahil nagdododta sya o kung hindi naman nakatambay sa labas magdamag. malaki ang naging distansya namin sa isa’t isa. maraming pagkakataon na isinusuko ko na siya, pero ayaw niya. gusto niyang kalimutan ang prublema niya sa banda niya pero ako ang nakakalimutan niya. ginusto ko siyang intindihin pero ayaw niya. hindi niya ko tinuring gf nung mga oras na yun. para lang akong tae sa daanan niya na nagpapapansin…

nalulungkot ako kapag natatandaan ko itong mga nangyari samin. bumaba ang tingin ko sa sarili ko dahil nagiba ang pagtrato niya sa akin… pero hindi ko sya kayang pabayaan lalo pa’t pakiramdam niyang iniiwan na siya ng lahat ng mahahalaga sa kaniya.

mahirap magkaroon ng bf na musikero lalo pa sa katulad kong madamot at sa tulad niyang hinahati ang puso sa musika at sa mahal niya. natatakot akong mawala siya.

dito ko napatunayan na mahal niya talaga sila. importante sila at kung mawala sila, dahil kaya niyang ibalewala at masakatan lahat ng mga dati niyang pinahahalagahan at minamahal para lang sa pagmamahal niya sa banda niya…

ayoko ng kumpetensya dahil hindi pa kami nagsisimula sinabi na niyang masmahalaga ang gitara niya.. ayoko matalo… ayoko rin manalo… kung ano man ang mangyari sa mga susunod na kabanata,, sigurado di ko na alam…  sa ngayon, andito pa rin ako… medyo madikit pa rin kasi epoxy ko sa puso niya…

Isang Tugon

  1. wow tlagang mahina nga sya.
    dahil imbes na ikaw na nanjan ang dapat pa nyang pahalagahan mas gusto pa rin nyang kasama ang gitara nya..no offense pero sobrang tanga ni bf mo..wag ka magpa martir dahil ramdam kong nasasaktan ka na dahil binabalewala lng nya ikaw…:(
    kylangan mag usap kayo hindi mo dapat itago yan..mas lalong masakit..
    go girl…

Mag-iwan ng Tugon