Nang dahil sa ipod.

nang dahil sa ipod nabwisit ang mundo ko. pineste ng syota kong ewan.

ewan ko ba. papahiramin mo ipagdadamot. pagkailangan mo ipagdadamot. pagkukunin mo ipagdadamot. WOW! PARE DAMOT MO!

ayoko nang i-expose ito, kaso therapy ko itong blog ko. kaya itong galit ko, blog ko ang sumasalo.

badtrip ako sa boyfriend ko. gusto ko nga siyang sapakin dahil nanggigigil ang mga lamang loob ko sa kakitiran ng utak niya ngayon.

ayaw niyang ipahiram ko yung ipod ko dahil sa confidential daw niyang video doon. hindi bold na video o pron kundi mga kaek-ekan ng mga gitarista. sumalungat ako sa ideya niyang iyon dahil may “K” ako. hindi naman kasi siya ang mapapasama kundi ako. magmimistulang madamot at mayabang ako kung hindi ko ito ipapahiram.

hindi ko naman daw kasi maintindihan. tuwing nagtatalo kami ng may konek “siguro” sa gitara o sa paggitara niyam laging “hindi ko maintindihan.,,” e, hindi naman nota, tono o keys ng kung ano mang instrumento ang pinagtatalunan namin kundi opinyon. kundi ”PERSONAL NA OPINYON”

kailan ba nagkaroon ng edukasyon para sa pagmamaramot (pagdadamot)? kailangan ko pa bang maintindihan yan kung wala naman sa tuwirang dahilan ito?

hindi ko alam kung mali ang rason ko, pero pinahiram ko ito sa kaniya dahil malapit siya sa akin dapat rin naman siguro na hindi ko ito ipagdamot sa ibang taong malapit rin sa akin.

nasabi ko tuloy sa kaniya na burahin na niya yung videos or ilipat ito sa c.d. kung ayaw rin niyang ipakita ito.

hindi ko rin alam kung tama ako pero ang akin lang, kung ayaw mong ipakita ‘wag mo ilagay sa may makakakita.

nang dahil lang sa ipod hindi ko na siya naintindihan…

2 Tugon

  1. “kung ayaw mong ipakita ‘wag mo ilagay sa may makakakita.”
    TAMA! x)

  2. kutusan ko bf mo gusto mo hek3,..
    joke lang …o kaya hampasin ko kaya ng gitara yan hek3..
    joke ulet…

Mag-iwan ng Tugon