Dati kapag tinatanong kung hindi bako malingkot na naghiwalay si nanay at tatay sasabihin ko “hindi, masaya nga dahil malaki ang range ng family ko from my father’s side to my mother’s side hanggang sa mga taong nagpunan ng pagukulang nila sa isa’t isa” pero noong pasko at bagong taon nagbago na ang takbo…Kapit bahay lang naman ng mother’s side ko ang father’s side ko. Sa mother’s ako nakatira, halos magkatapat ng bahay.
Nung pasko, noche Buena, hindi manlang nila ako tinawag para maki-join sa kanila. Hindi ko kayang kapalan ang mukha ko para ipagsiksikan ko ang sarili ko sa mga taong ayaw ako makasama. Nalungkot ako na parang hindi kumpleto ang pasko ko. Siguro dahil sa ngayon lang ako nagiging sensitive sa mga bagay. Kahit nung tanghalian ng pasko sama-sama pa rin sila sa grahe na halos kitang kita ko, na kumakain na parang one big happy family. Masakit ba sa paa na iilang hakbang lang e pwede na nila ko ayain maki-join? Yung mga bagong dating sa pamilya nila, akala mo masmatagal pa sa itinagal ko sa kanila. Kahit pakitang tao lang naman sana. Hindi ko kayang lumapit sa kanila ng kusa dahil ayoko ng pakiramdam na “ako ang stranger sa pamilya nila”. Minsan kapag bumibisita ako sa kanila parang inaantay na rin nila ako umalis. Ni hindi manlang mag-alok na umupo o uminom ng juice o kahit konting kwentuhan manlang.
December 30, 2007 the reunion
Sinabi ni mama na lahat daw sila umalis ng sama-sama. Lahat sila wlang natira. Hindi manlang nila ako inaya na sumama sa laguna, kung saan magkikita kita ang father’s side ko. Siguro kung namasukan ako sa kanila para maging dakilang alalay, isasama nila ako… ang gusto ko lang naman n asana, wala na nga ditto si daddy, sana naman nararamdaman ko yung presence ng family ko sa side niya. Pero alam ko ayaw nila ako makasama.
Naalala ko pa nung blessing ng bahay nila sa baba inimbitahan nila ako. Sinabi ni mama na pumunta ako dahil baka kung ano pa ang masabi. Napilitan akong pumunta…
Andun ako, nakaupo sa lamesa, magisa, si tita nakatayo sa harap ko na parang nagaantay na matapos ako. Si lola, nagbibihis. Parang hindi nila ma-take na magstay ako dun. At sabay sabi na “inaantok ako”. Hindi na rin ako nagtagal dahil parang nasa forest ako magisa. May mga matang nagaabang ng susunod kong galaw.
New yr… Ganun din.. kung paano ang setting nung xmas ganun din ngayon. Para akong sinasampal sa mukha ng hindi ko alam kung sino at bakit. Masama ang loob ko dahil nasasaktan ako. Sana naman marunong sila umintindi. Ako pa ba ang dapat umintindi? E sa akin na nga nagkulang…
Hindi ko ineexpect ang special treatment ang gusto ko lang, sana maramdaman ko kahit konti na parte pa rin ako ng pamilya nila.
Inihanay sa: Uncategorized | Minarkahan: mood:malungkot, patay na bata
ganon talaga minsan okay sa atin yung mga nangyayari, minsan naman sobrang nakakalungkot pero go with the flow ka na lang in time ma o-overcome mo din yan.
ok lang yun,andito naman kami for you di ba? keep on writing i enjoy reading it! ingat!