trinity observer october 2007 issue….
tama nga ang sinabi ni bob ong sa stainless longganisa na iba pa rin kapag first time. Nung lunes pumasok ako ng 9 ‘oclock para sa subject ko na political science. Tinawag ako ng mga kaklase ko na may hawak ng isang kopya ng trinity observer(T.O.) [newspaper ng school namin] , at binanggit yung “gising na pag-asa”. Nagulat ako dahil parang familiar sakin yung phrase, at tama nga, ipinasa ko pala sa t.o. yung tula na ginawa ko… masarap sa pakiramdam dahil nakalagay sa pahina ng dyaryong yon ang gawa ko. mababaw sa iba pero first time ko ‘to dahil first time lang ako naglakas loob na magpasa. ang sarap sa pakiramdam na parang mas na-motivate ako.
ang sumunod kong ginawa ay hinanap kung nasaan yung mga copies ng t.o. pinagtanong-tanong ko at nagn makita ko kumuha nako ng dalawa… remembrance kasi yun dahil first time nga… kaya rin ako nagsipag sumulat ulit sa blog dahil dito… goodluck nalang sakin…
Loading...