An Open Wound.

Bakit ganun? Etong mga lumipas na araw, masyado akong naging emosyonal sa isip.. kapag may napapanood akong nakakalungkot o kapag may naiisip ako, di ko maiwasang maging malambot at maiyak iyak. Mas nagiging sensitive ako ngayon at hindi ko alam kung anong dahilan…

Kagabi, pinagusapan namin ni special someone yung pinagkwentuhan nila ng utol niya. Naiinis ako dahil yung mga bagay na di na kelangan sabihin ay binaggit niya. Naiinis ako dahil ayokong maalala na minsan nasabi ko ang mga bagay na yun o nagawa ko yung mga bagay nay un. May dagdag bawas pa siya. Sabi ko nga sa kanya na hindi siya pwede maging writer dahil ine-edit nya ang mga linyang di naman nanggaling sa kaniya.sinabi ko rin na pang-tsimis lang ang ginagawa niya.

Bumalik tayo sa pinagusapan ng utol niya. Habang kausap niya ko sa cellphone, pinipigilan ko ang sarili kong maiyak. Naiinis ako dahil nakita niya ang soft side ng pagkatao ko na pilit kong tinatago sa ibang tao. Napagusapan daw nila ang tungkol sa pagiging hiwalay ng nagbigay buhay at hininga sakin.

Oo tama, totoong mukha akong pera na hindi ko matanggihan ang binibigay sakin kapalit ng pagmamahal. Pero hindi ko pa rin maiaalis na mas namamayani ang nararamdaman ko. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may kanya kanyang kahinaan. Lahat ng nasa mundo ay balance. Yin-yang (yun yung pinagayahan ng logo ng sugo na gawa ng GMA, kung familiar kayo).

Kaya ayun, habang nagiisip ako ng susunod kong sasabihin, nalulungkot ako dahil naiisip ko na iniisip ng iba na kayang tapatan ng simpleng bagay ang pusong naghahanap ng totoong mararamdaman at magpaparamdam nito.

Masaya nga ako dahil nakakatanggap ako ng mga hinihingi ko, o mga luho. Pero syempre makukumpleto lang pagkatao ko kung maghihilom kahit konti ang sugat na simula pagkabata ay matagal nang nakabukas.

Mag-iwan ng Tugon