Cherriejoyride
I am Cherrie and This is who I am.

Oct
27

10/25/09 11:42 am

Jomir Josef “thesis mates – be ready, baka magpa meeting ako sa tuesday 4pm sa haus ni cherie “

ME “5 pm”

ME “5 gang 10 pm sabi ko syo. My ojt ako 9-4″

Jomir Josef “wag hanggang 10 pm lang, mga 11 pm o 12 am wag tau magmadali”

ME “edi kinabukasan ! ikaw kung jan sa inyo o kung kaninong bhay cge gang 12 gang 10 lang d2 pwede. wla ako cnbi n mgmadali.”

Jomir Josef “e ganun din e, 4 hours lang pwede sa inyo edi parang nagmamadali, galang naman ! coordinator  ako, gnglang ko din naman kau”

ME “hindi mo ba naintindihan sinabi ko. pwed naman dredretso 1 linggo mgmeeting kung kulang sayo un oras. kung ibang bahay cge. d2 gang 10 lng tlg. maging sensitiv k nmn tska intindihin mo muna ung txt bgo mo sabihin n ngmmdli.”

Jomir Josef “itong instruments’ guide question kya ng isang araw, ang pnproblema q bka d sapat kay sir nunez 4 hours, tau ang magaadjust sa time nia, hindi ung tau ang nagdedecide ng oras.. maya na nga kita txt, tetxt q muna si sir.. ang cnsuggest q lang naman e kung pwede dagdadgan time dian sa inyo, hndi q pinipilit dhil nkkhiya sa parents mo, hndi aq nkkpgaway.”

ME “edi pag makikipag meet kay sir edi sa inyo nalang. may pc naman cguro s inyo. d2 gang 10 lng tlg. tska wag ka masyado paranoid n inaaway kita. nkkpncn nko kung di kita tntryn nkkpg away nmn ako. maging mature nmn ng konti.”

Jomir Josef “kht knno mo pabasa txt m parang laging galit e, tapos may mga xclamation point b.. bsta il be strict sa thesis para may galang din kayo sakin.. ge”

ME “swirtty k n dn ngayon> cge ikw yn e. bsta d2 s bhay 5-10 lng. tska hndi kta bnbs2s. wla k mggwa gn2 tlg ko mgtxt. ano gs2 mo bguhin ko dhil nmimisinterpret mo. cge txt mo nalang kung sn mgkkta. tska kung san tlg.”

Jomir Josef “ikw n kya magng coordinator? Nkakapikon na e! maya na nga kta txt.”

ME “anong nakakapikon dun?!!! cnbi ko lng nmn syo n 5-10 lng tlg d2 kht i-araw araw mo n ung meeting. kung hindi kya edi s ibng lugar nlng!!! “

Jomir Josef “hnd dhil s 5-10 ang dahilan, grbe k mkpgusap e! ganda ng pakikipagusap q sau sabay ganyan !!! wag k n nga magreply ! wala na rin aqng load!”

ME “anong grabe ? dhil sa isang exclamation point lng? Sus nmn. cge cge ikw yn, wla nko mggwa jan.”

http://cherriejoyride.multiply.com/photos/album/35/FREEDOM_WALL_#photo=1

http://cherriejoyride.multiply.com/photos/album/35/FREEDOM_WALL_#photo=2

http://cherriejoyride.multiply.com/photos/album/35/FREEDOM_WALL_#photo=3

Sep
24

He’s off to bora and ilo-ilo for four days, does this mean than I am temporarily single and available for enjoyment?

Ada.

While I was sharing my sentiments with ada, unti-unti kong nakikilala sarili ko. Hindi ako si Cherrie, si Tiny, o kung sino man na may pangalan. Ako yung ako, kung anong nararamdaman ko, kung ano yung tumatakbo sa utak ko, yun yung nakikilala ko. Kasamaan ng ugali ko, kaplastikan ko, Negative Positive, I am me. Pili nga lang siguro yung taong mapagsasabihan mo ng nararamdaman mo, ito yung taong alam mo mapagkakatiwalaan mo at hindi magsasalita kung hindi kailangan…

Melvin.

Unfaithful, infidelity ba ang matatawag mo sa taong tulad ko? Na kapag hindi nakuha ang gusto sa iba, hahanapin ko ulit sa iba. Yung phrase na pagkakadecribe ko kay ada na “sanay lang siguro ako na naghahanap ng comfort from other guys”, pero hindi ko gusto magkaron ng commitment sa kanila. Kung meron man akong kakabagsakan, yun yung sa taong nag-ngangalang Melvin. Tested na kasi siya, unlike other guys, hindi siya playboy. Pwede ko nga rin ba matawag sarili ko na playgirl ? hindi, hanggang ngayon hindi ko pa rin natatanggap na playgirl ako. Ayoko ng one night stand. Ayoko ng happy go lucky when drunk. Tuwing nasa kasukdulan nako ng paglalandi ko, hindi ko matuloy-tuloy, yun yung Gawain ng konsensya. Pinapaalala niya sayo na meron kang masasaktan pag may ginawa kang mali. Si Melvin. Pag may kasama akong ibang lalaki, siya lang naiisip ko. Sa totoo lang, naadik kasi ako sa mga balikat niya, kapag iba kasama ko, yun yung una kong hinahanap, si Melvin. Yung kabuuang pagkatao niya.

“when I’m with him I am thinking of you…” –katy perry

Kahit na hindi ko gusto yung kalahati ng ugali niya, meron pa rin sa pagkatao niya na nananatiling iba sa lahat. Yun siguro yung pagmamahal niya sakin, yung pagkakakilala niya sakin, yung pagyakapa niya sakin. Hinding hindi mapapantayan ng iba. Gusto ko rin sana bigyan ng chance yung iba, pero natatakot ako na baka “I’m letting go off my once in a lifetime God’s gift” si Melvin.

Sep
08

There are times that God will put you into test, just to see how stable your attitude, feelings and thinking capacity.

Minsan naman, ang tao, nakakalimutan to, at nagiging sabaw-sabaw.

Aug
30

Depress ako ngayon, masasabi mo yan sa bigat ng katawan ko at sa kung paano ako gumastos ngayong lingo. Hindi ko na nga iniisip dahil gusto ko balewalain, pero nagpupumilit pa rin magpapansin sakin ang matagal ko nang gustong maresolba na prublema.

Pagibig, pagibig, pagibig. Parang gusto ko nang lisananin.

Ilan na ba ang napapabalita sa mga pahayagan ang mga taong gumagawa ng karumaldumal na krimen dahil sa pagibig? Buti nalang at nasa katinuan pa ko ng isip kahit puro sakit at stress ang nadudulot nito sakin. Nakakabaliw daw ang pag-ibig. Sabi nila. Ako, ngayon baka mabaliw palang dahil manhid ang aking iniibig.

Nakakainis. Nakakagigil. Nakakaloko.

May mga tao talaga sa mundo na kahit ilang beses mo sabihan, ilang beses mo iyakan at pakiusapan, at kahit siguro halikan mo sila sa mga paa nila, mananatiling sabaw-sabaw. Minsan din naiisip ko, nage-enjoy sila maging sabaw dahil yun ang ginagawa nilang palusot. Syempre, kung sabaw nga naman kausap mo at alam mong lumaki na siyang ganun, wala ka nang iba pang magagawa kundi intindihin siya. Pero, hindi ako naniniwala na sabaw sabaw siya. Insensitive lang. at tamad magisip ng malalim.

Naaalala ko, akala niya nagagalit ako dahil sa mababaw na dahil ang hindi niya alam napupuno na lahat-lahat. Nagtataka rin ako kung bakit ayaw niya i-post yung mga picture naming sa facebook. Unang una sa lahat, pinagsisisihan ko na ginawan ko siya ng account. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya ng bonggang-bongga pero wala lang akong tiwala sa mga babaeng umaaligid-aligid sa kanya. Iba kasi pag babae ang lumandi. Alam ko yan, been there done that. May pagka-gentleman pa naman siya. Mahirap tuloy pabayaan sa labas. Ayoko lang ng may lumalapit sa kanya dahil selosa ako. Oo siguro may mali din ako, pero hindi ko kasi makuha yung logic na kung bakit mas-maayos yung pakikitungo niya sa iba kaysa sakin… biruin mo, ako magtetext inaabot pa ng ilang minuto samantalang kapag nagtetext siya sa iba, wala pang isang minute, message sent. At bakit naman siya magsasawa kung kakakita lang naming kahapon? E, alam naman niya na kailangan ko ng someone ngayon dahil sariwa pa rin yung mga nangyari…

Wala na, alam ko kung wala si ada, wala na rin ako maaasahan.

Aug
29

Protected: Rape Me.

This post is password protected. To view it please enter your password below: